David-san
13 July, 2008 at 11:04 pm (ayos!, la lang!)

When you feel cold and warm at the same time,
Wen you read over the same line for the tenth time,
When you heart and thoughts somehow appear to rhyme,
and when a simple name conquers your whole mind,
then you are in deep trouble, my friend …
You are in what they call “Love.”
~ Philippos Aristotelous
Nakasabay ko sya sa elevator last year lang at parang na-atract agad ako sa kanya kasi may pagka-mysterious sya at parang anime ang dating nya. Mula non, lagi ko na syang sinusundan ng tingin tapos ayun naging crush ko na sya.
Nakasama ko sya sa pag-aayos ng consti ng school, kung minsan nakakadebate ko pa, nakakasalubong, pero hindi nagkaroon ng chance na maging close kami. Madami din naman akong ka close na ka-course nya pero ewan bakit parang ilag kami sa isa’t-isa…
Pero ngayon, kung kelan naman imposibleng maging close kami, tsaka naman kami unti-unting nagkakalapit. Classmate ko sya ngayon sa ibang subjects ko, then kasabayan ko pa sya sa pastoral service na requirement sa ReEd namin pati sa Org na ginawa niya, hinatak niya rin ako dun at madalas ako yung tinatanong niya ng kung ano ba magandang gawin, etc etc.. . At ngayon, nagkukulitan kami sa text. Remember ko nun, sabay niyang kinuha yung number ko at nung best friend ko, pero ako lang yung tinetext nya. Ako, syempre kilig pero hmm…
Nito lang, parang unti-unti ko na syang nakikilala. Makulit, WEIRD, isip-bata, hindi takot magsabi ng nararamdaman nya at hindi daw sya torpe.. Maraming nawiwirduhan sa kanya pero parang sakin, ang cute ng pagiging weird nya! HAhaha.. Natutuwa ako sa mga kapalpakan nya at yung pagkukwento nya na parang bata sya. Pati yung pagsasabi niya sakin kung ano talaga yung nararamdaman nya sa paligid.
Pero nung pinagkukwentuhan namin sya ng isa kong tropa na barkada nya din, hindi naman daw yun nag-oopen ng ganun sa kanila. At ngayon daw, madalas unli itong si lalake. Minsan nga hindi ko nirereplyan yung mga text nya kasi baka mamaya isipin malaman niya na crush ko sya.
Nag-eenjoy ako sa ganito. Heheheh.. Ni hindi ko inexpect na magiging close kami. Minsan pa nabanggit niya sakin na type daw niya yung mga babaeng matapang, naninigaw, nakikipag-away, yung bossy at aggresive. So binanggit ko naman sa friend ko yun, at ang reply niya.. “hmm.. parang ikaw lang yun ah! Hahahah”
Ayokong mag-isip ng kung ano man. Pero gusto ko tong nangyayari.. AT least kahit papano, inspired ako.. Oh well..
Fighting pa rin!


















